Tuesday, April 30, 2024

Trillanes bukas sa imbestigasyon sa kanyang mga magulang

- Advertisement -

Bukas si Senador Antonio Trillanes IV na imbestigahan ang sinasabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na transaksyon ng kanyang mga magulang sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Kahapon sinabi ng Pangulo na tahimik na iniimbestigahan ng gobyerno ang pinasok noong negosyo ng ina ni Trillanes sa Philippine Navy habang na sa serbisyo pa kanyang ama.

Ayon kay Trillanes, sakaling mapatunayan na mayroong anomalya sa mga naging transaksyon na pinasok ng kanyang mga magulang sa gobyerno ay handa siyang magpakulong kahit pa sa Davao City.

Kasabay naman ng naturang pahayag ay hinamon ni Trillanes ang Pangulo na imbestigahan din ang pagpasok ng bilyong halaga ng shabu shipment sa bansa.

Kung maaari ay magalit man lamang ang Pangulo o kunwaring ipahanap ang drug lord upang hindi mahalata na sila ang nasa likod ng mga naturang mga iligal na kargamento.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img