31.4 C
Manila
Wednesday, April 17, 2024

Pagdinig ng Senado ukol sa 3rd telco player muling gumulong ngayong araw

- Advertisement -

Muling gumulong ngayong araw ang pagdinig ng Senado sa pagpasok ng third telecommunication firm sa bansa.

Una nang inilunsand ang hearing isang buwan bago pa opisyal na napili ng Department of Information and Technology (DICT) ang Mislatel Consortium bilang bagong telco player.

Sa pangunguna ni Senate Committee on Public Services Chair Senador Grace Poe, aalamin ng komite ang papel ng China Telecom sa napiling third telco.

Hihimayin maging ang naging selection process at bidding na nangyari bago napili ang naturang consortium.

Mahalagang malaman kung may pinaburan ba o naging padrino sa pagpasok ng Mislatel.

Aalamin din sa magiging pagdinig kung papayagan na magkaroon ng substantial control sa internet ng bansa ang government corporation na pag-aari ng China at kung mapagkakatiwalaan ito sa usapin ng privacy communication ng bansa.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -