Thursday, May 2, 2024

Transport group iginiit ang pagsasauli ng fare matrix

- Advertisement -

Iginiit ng grupong Piston ang pagsasauli ng bayad sa taripa o fare matrix para sa nakalipas na pagtaas sa pasahe.

Kasunod ito ng desisyon ng gobyerno na ibaba sa P9 ang minimum na pasahe sa jeep.

Ayon kay Piston President George San Mateo, pumila ng mahaba at nahirapan ang mga tsuper at operator para lamang makakuha ng fare matrix na nagkakahalaga ng P570 nang umabot sa P10 ang pasahe sa jeep.

Babawiin din pala aniya ang dagdag pasahe ng wala pang isang buwan at hindi man lang sila nasabihan.

Sinabi ni San Mateo na kumita pa ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa fare matrix habang ang mga tsuper at operator ay halos walang kita sa rollback sa pasahe.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img