32.7 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Ikalawang mosyon para harangin ang pagpapatupad ng TRAIN law isinampa sa SC

- Advertisement -

Isinampa ng grupong Laban Konsyumer Incorporated sa Korte Suprema ang ikalawang mosyon para harangin ang pagpapatupad ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

Sinabi ni dating Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Victorio Dimagiba, pinuno ng grupo, na nakaamba ang panibagong pasanin ng taumbayan lalo’t may go signal ng Pangulong Rodrigo Duterte ang ikalawang round nang pagpapataw ng excise tax sa mga produktong petrolyo na epektibo sa January 01, 2019.

Ayon sa grupo, bigo ang gobyerno na ibalik sa dating halaga ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa kabila ng serye ng oil price rollback.

Kaugnay pa nito, hinamon ng grupo ang economic managers na pag-aralang mabuti ang epekto nito lalo na sa mga mahihirap na pamilya.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -