Trak-trak na basura nahakot mula sa Manila South Cemetery

0
66

Umabot na sa 15 trak ng basura ang nahakot mula sa Manila South Cemetery mula Biyernes ng umaga hanggang hapon.

Ang mga nasabing basura ay dinala sa Pier 18 sa Maynila at nakatakdang ihatid sa sanitary landfill ng lungsod.

Samantala, tinapos na rin ng Tzu Chi Foundation ang kanilang pangongolekta ng mga recyclable na basura mula sa loob ng sementeryo.

Ang mga nakolektang plastic bottles at cups ng nasabing foundation ay ibebenta at gagamitin ang malilikom na pondo para sa ilang charity projects para sa bansa.