Batas na magdedeklara sa special non-working holidays sa Ifugao at Surigao Del Norte nilagdaan ni Duterte

0
45

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dalawang batas na magdedeklara sa special non-working holidays sa lalawigan ng Ifugao at Surigao Del Norte.

Sa ilalim ng Republic Act 11101 ay itinakda ang Hunyo 18 bilang special non-working holiday sa lalawigan ng Ifugao.

Habang, sa ilalim naman ng Republic Act 11100 ay inilipat naman ang selebrasyon ng “Araw ng Surigao Del Norte” mula Hunyo 19 sa Mayo 15 taon-taon.

Ang Itinakdang holiday sa parehong lalawigan ay bilang paggunita sa founding anniversaries ng mga ito.