Pamilya ng mga ‘Desaparecidos’ nagtipon-tipon ngayong ‘All Souls’ Day’             

0
46

Nagtipon-tipon ngayong araw, ang pamilya ng tinaguriang ‘desaparecidos’ sa Plaza Miranda, Quiapo Maynila, upang alalahanin ang mga biktima ng pagpatay sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte at dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Ayon sa grupong Karapatan, ito ay panawagan upang mabigyan ng katarungan ang mga pinaslang at biktima ng biglaang pagkawala dahil sa pag-tuligsa sa pamahalaan.

Nag-alay rin ng bulaklak at kandila ang militanteng grupo at pamilya ng desaparecidos, upang magbigay respeto sa kanilang mga kaanak.