Training facilities ng Houston Rockets bubuksan na

Training facilities ng Houston Rockets bubuksan na

by Powered by DWIZ
31 views

Bubuksan na muli ng NBA team na Houston Rockets ang kanilang training facilities ngayong araw ng Martes.

Ayon kay Rockets General Manager Daryl Morey, ang muling pagbubukas ng pasilidad ay para magamit ito ng mga manlalaro sakanilang pag-eensayo.

Tiniyak naman ni Morey, na sila’y tatalima sa mahigpit na panuntunan upang maging ligtas ang mga manlalaro laban sa COVID-19.

Magugunitang, isinara ang training facilities ng mga NBA teams matapos na ipagpalipan ang NBA season nakaraang buwan ng Marso dahil sa pandemyang COVID-19.

Samantala, nag-anunsyo narin ang 11 pang team ng NBA ng kanilang balak na muling pagbubukas ng pasilidad gaya na lamang ng Los Angeles Lakers, Los Angeles Clippers at Denver Nuggets.

0 comment

Related Posts