32 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

121 katao nasawi sa Mexico dahil sa pag-inom ng adulterated alcohol

- Advertisement -

Nasawi ang mahigit 100 katao sa Mexico, matapos na ipatupad ang liquor ban sa bansa dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon sa pinuno ng sanitary risks sa Jalisco na si Denis De Santiago, dahil sa pagpapasara ng mga liquor at beer factories ay ginawa nang negosyo ng iba ang pagbebenta ng methanol imbis na ethyl alcohol.

Ang methanol aniya ay kalimitang ginagamit sa paggawa ng gasolina at solvent.

Hinahaluan rin aniya ng ilan ang alak ng illegal substance gaya ng drugs, ecstasy, roopees at kung ano-ano pa na hindi nakakabuti sa katawan.

Una nang naitala noong Abril sa Jalisco ang 121 kataong namatay dahil sa pag-inom ng adulterated alcohol.

Sinundan naman ito ng 53 pagkasawi sa Puebla dahil sa pag-inom ng alak na tinatawag na “monshine” na may halong methanol.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -