32.6 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Mga dobleng singil sa Meralco bills huwag muna bayaran hangga’t hindi naitatama — Poe

- Advertisement -

Hinihikayat ni Senator Grace Poe ang mga konsumer ng Meralco na huwag munang bayaran ang bill ng mga ito, habang hindi pa naitatama ang singilin na nauna nang naibigay.

Ito ay matapos na dumoble ang electric bills ng mga customer nito ngayong kasagsagan ng lockdown bunsod ng COVID-19.

Hinihiling ni Poe sa Meralco na mag-isyu ng pinal at tamang billing na batay sa saktong meter reading ng kada kilowatt per hour na consumption.

Aniya, nararapat lang na pigilan nila ang pagbabayad ng mga customer hangga’t hindi pa na-uupdate ang tamang billing ng mga ito.

Kasabay nito, hinihikayat rin ni Poe ang Meralco na mangako na hindi puputulan ng kuryente ang mga consumer habang inaayos ang singil at kung hindi pa makakapagbayad.

Samantala, magugunitang nagpaliwanag ang Meralco sa doble-dobleng singil sa kuryente na anila’y bunsod ng panuntunang inilatag ng Energy Regulatory Commission (ERC) na i-estima ang electricity consumption sa pamamagitan ng average consumption sa nakalipas na tatlong buwan imbis na physical reading ang gamitin.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -