Top graduate ng PNPA ipinagkalooban ng house and lot

0
53

Pinagkalooban ang isang kahilingan ng Philippine National Police Academy (PNPA) Sansiklab Class of 2019 top graduate na si Police Lieutenant Jervis Allen Ramos.

Ito’y sa ginanap na graduation rites ng naturang klase sa pangunguna ni Pangulang Rodrigo Duterte.

Mismong ang pangulo ang nag-gawad ng certificate of ownership ng isang house and lot kay Ramos.

Ayon kay PNPA Spokesperson Superintendent Byron Allatog, P2 million ang halaga ng bahay at lupa na ipinagkaloob kay Ramos.

Magugunitang sinabi ni Ramos sa isang panayam na nais niyang mabigyan ng bahay ang kanyang ina bagay aniya na hindi sila nagkaroon ng sarili at nagungupahan lamang.