Kaliwa dam project planong kuwestiyunin ng SC

0
49

Pinag-aaralan ng bayan muna na kuwestiyunin sa Korte Suprema ang Kaliwa dam project na popondohan ng China na aabot sa P12 billion.

Ayon kay Bayan Muna Chairperson Neri Colmenares, masyadong mataas ang interes sa utang na kailangang bayaran ng Pilipinas sa China.

Dagdag pa ni Colmenares, tanging China lamang ang nagdidikta sa nilalaman ng kontrata tulad ng kukuning contractor at mga manggagawa.

Sinabi pa ni Colmenares, nakasaad din sa probisyon ng kontrata na maaaring iremata ng China ang Kaliwa dam kung hindi makakabayad ang Pilipinas.

Itinanggi naman ito ng Department of Finance (DOF) at sinabing walang silang idineklarang collateral sa anumang pinapasaok na load agreement.

Idinepensa rin ng dof ang pagpili sa China Energy Engineering Corporation bilang contractor sa Kaliwa dam project.