Mga botante hinikayat ng Comelec na huwag gawin basehan ang survey

0
51

Hinikayat ng Commission on Elections o Comelec ang mga botante na bumoto base sa rekord ng isang kandidato at hindi base lamang sa naging resulta ng mga poll survey para sa nalalapit na halalan.

Ito’y ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez.

Indikasyon lamang aniya ng mga naturang poll survey ang kasikatan ng isang kandidato at walang matibay at mahalagang impormasyong inihahayag.

Mariin nitong iginiit na dapat ay suriin ang isang kandidato base sa kanyang mga napagtagumpayan sa kanyang karera at paninindigan nito sa mga kritikal na isyu na kinahaharap ng bansa.