Tone-toneladang basurang itinapon sa Pilipinas ibinyahe na pabalik ng Canada

0
39

Nagsimula nang maglayag ang barkong may lulan ng tone – toneladang basura pabalik sa Canada.

Ayon kay SBMA deputy administrator for port operations Rani Cruz, sampung (10) oras bago natapos ang loading ng 69 na mga container van.

Hindi rin aniya nakaalis agad ang barko dahil may mga kasama pa itong ibang kargmento kaya bahagyang napatagal ang paglaayag nito.

Pasado alas-7 ng umaga nang tuluyang magsimula sa paglalayag ang barko habang inaasahan naman na sa Hunyo 22 ay darating na ang mga ito sa port of Vancouver.