Grab PH may paglabag sa kabiguang magbigay ng senior citizen discount

0
44

Malinaw na mayroong paglabag ang Grab Philippines dahil sa kabiguan nilang magbigay ng diskwento sa mga senior citizens na hindi rehistrado sa kanilang application.

Ito ang sinabi ni Marikina Rep. Bayani Fernando kasunod ng naging pagdinig ng house committee on Metro Manila Development meeting on garbage and road safety issues kahapon.

Ayon kay Fernando, dapat aniyang kumilos ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board para obligahin ang Grab na ipatupad ang Republic Act 9994 o Expanded Senior Citizens Act of 2010.

Kaugnay nito, nagbanta pa si Fernando na kung hindi ito agad na maayos ng Grab ay may kapangyarihan ang kongreso na tanggalin sila ng prangkisa.

Nasa karapatan ng kongresong gawin. Kaya kinakailangan ay dumiretso sila, tapatin nila at sundin nila ang mga alituntunin.” ani Fernando.

Ratsada Balita Interview