ASF walang panganib sa tao – DOH

0
54

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na walang panganib ang african swine fever sa mga tao kundi sa mga baboy lamang.

Kasunod ito ng pangambang maapektuhan rin ang mga tao sa naturang sakit na kalat na sa iba’t ibang bansa sa mundo.

Ayon kay Health assistant secretary Eric Tayag, suportado ng DOH ang pagkilos ng Department of Agriculture na pagpapatigil sa pagi-isyu ng import clearances at ban sa karneng baboy at pork processed products sa mga bansang apektado ng naturang sakit.

Binigyang diin  ni Tayag na kinakailangan ang mahigpit na pagbabantay upang hindi makalusot sa bansa ang african swine flu na maaring maapekto sa swine industry ng bansa.