Tuesday, May 7, 2024

Toll rates sa SCTEX at MCX tataas sa 2nd quarter ng 2019

- Advertisement -

Muli na namang nagbabadya ang panibagong toll hike sa dalawa pang expressway sa ikalawang kwarter ng taon.

Ito ay matapos aprubahan ng TRB o Toll Regulatory Board ang mga petisyon ng BCDA o Bases Conversion and Development Authority at Ayala Corporation para sa adjustment ng toll rates.

Sakop ng BCDA ang SCTEX o Subic-Clark Expressway habang hawak naman ng Ayala Corporation ang MCX o Muntinlupa-Cavite Expressway.

Ayon kay TRB Spokesperson Bert Suansing, mula sa dating 2 pesos point 67 centavos per kilometer ay magiging 3 pesos point 18 centavos na ang taas singil sa SCTEX para sa class 1 vehicles o maliliit na sasakyan tulad ng kotse.

Habang magiging 6 pesos point 37 centavos per kilometer naman ang itataas para sa mga class 2 vehicles o mga van, mini bus at iba pang may kalakihang sasakyan mula sa dating 5 pesos point 35 centavos.

Magiging 9 pesos point 56 centavos naman per kilometer ang para sa mga class 3 vehicles o malalaking sasakyan tulad ng bus at truck mula sa dating 8 pesos per kilometer.

Samantala, mananatili naman sa 17 pesos ang singil para sa class 1 vehicles para sa MCX, habang magiging 35 pesos ang para sa class 2 vehicles mula sa dating 34 pesos at 52 pesos naman ang para sa class 3 vehicles mula sa dating 52 pesos.

Gayunman, nilinaw naman ni Suansing na kailangan munang ilabas sa mga pahayagan ang general circulation nito sa loob ng tatlong sunod na linggo bago magsimulang mag-isyu.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img