Isa pang suspek sa ‘Cebu Slay Case’ arestado

0
53

Naaresto na ng mga otoridad ang isa pang suspect sa kalunos-lunos na pagpatay sa 16 anyos na dalagitang si Christine Lee Silawan.

Ayon kay Police Col. Limuel Obon, hepe ng Lapu-Lapu City nasa kustodiya na ng pulisya ang isa pang suspect sa krimen na naaresto kahapon.

Kaugnay nito, tumanggi naman si Obon na magbigay pa ng karagdagang detalye sa ikinasang operasyon laban sa nasabing suspect.

Samantala, nanatili naman sa kustodiya ng DSWD ang dating nobyo ni Silawan na isa sa pinaniniwalaang suspect sa pagpatay.

Una rito, lumabas sa imbestigasyon ng NBI o National Bureau of Investigation sa Central Visayas na tatlo ang pinaniniwalaang suspect sa naturang krimen.

Matatandaang, si Silawan ang dalagitang natagpuang patay sa isang bakanteng lote sa Brgy. Bangkal sa Lapu-Lapu City kung saan tadtad ito ng saksak, binalatan ang mukha at tinanggalan pa ng ilang lamang loob.