Halaga ng mga nasasabat na cocaine pumalo na sa mahigit 1-B piso ayon sa PNP

0
84

Sumampa na sa mahigit isang bilyong piso ang halaga ng cocaine na nasasamsam ng mga otoridad sa mga baybayin sa silangang bahagi ng bansa sa mga nakalipas na buwan.

Ayon kay PNP Spokesman Pol. Col. Bernard Banac, aabot sa mahigit 1,200 kilo ng mga bloke-blokeng cocaine na ang kanilang nare-rekober.

Matatandaang, natagpuang palutang-lutang ng mga mangingisda sa karagatan ng Surigao Del Norte, Dinagat Island, Davao Oriental, Catanduanes, Camarines Norte, Camarines Sur, Quezon at Aurora ang mga nasabing cocaine mula buwan ng Pebrero hanggang ngayong buwan ng Abril.

Una rito, iginiit naman ng PNP at PDEA na hindi para sa Pilipinas ang mga nasasabat na cocaine, sa halip ay ginawa lamang ang bansa bilang transport point ng mga foreign drug syndicate.

(with report from Jaymark Dagala)