Toll hike sa NLEX ipinatupad na

0
48

Epektibo na ang pagpapatupad ng dagdag singil sa North Luzon Expressway o NLEX ngayong araw.

Base sa naging abiso ng NLEX, kapag open system, ang dating 45 pesos na singil sa class 1 na sasakyan ay 54 pesos na ngayon, mula naman sa dating 114 pesos para sa class 2 na mga sasakyan ay nasa 136 pesos na ngayon habang ang class 3 naman ay nasa 164 pesos na mula sa dating 136 pesos.

Samantala, ang dagdag singil naman kapag end-to-end sa class 1 vehicles ay nasa 258 pesos mula sa dating 236 pesos, 645 pesos mula sa dating 590 pesos para sa mga class 2 na sasakyan habang 774 pesos na mula sa dating 708 pesos ang singil sa mga class 3 na sasakyan.

—-