Iba pang tourist destination sa bansa pursigidong isailalim sa rehab

0
55

Pursigido ang gobyerno na isailalim sa puspusang rehabilitasyon tulad ng Boracay ang iba pang tourist destinations sa bansa.

Ipinabatid sa DWIZ ni Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Epimaco Densing na kabilang dito ang Panglao Island sa Bohol at El Nido at Coron sa Palawan.

Sinabi ni Densing na tila maagap ang mga local officials sa mga tourist destinations na ito dahil naayos na ang ilan sa mga problema ng mga pasyalang ito.

“Sa El Nido lang, meron pong mga 37 na illegal structures, mga squatter, pagdating namin doon nawala lahat so talagang nalinis, pero nung dumating kami doon may apat pang establishment na hindi pa sumusunod sa 20-meter requirement, Panglao medyo nakakagulat, medyo matagal-tagal bago kami nakapunta doon talagang nakapaglinis si Mayor, hindi kami nahirapan sa Panglao,  kaya lang ang problema sa Panglao, ‘yung katabi niyang bayan, Dauis, ‘yun ata ang medyo may problema, maraming informal settlers doon na nagtatapon ng dumi sa dagat so ang dumi ay napupunta doon sa Panglao.” Pahayag ni Densing

(Balitang Todong Lakas Interview)


Bora establishments

Samantala, mahigit tatlong daan (300) nang establishments ang pinayagan ng gobyerno na makapag-operate sa Boracay.

Kabilang dito ayon sa Department of Tourism (DOT) ang Fairways and Blue Water Resort at Savoy Hotel Boracay kung saan kabilang ang kanilang mga kuwarto sa halos labing dalawang libong (12,000) accredited accommodation rooms sa lugar.

Permit at clearance mula sa DILG at DENR ang dapat na mapasakamay ng mga negosyante na nais mag-operate sa Boracay.

—-