Matataas na kalibre ng armas na-recover sa Kalinga

0
43

Ilang matataas na kalibre ng armas at pampasabog ang narekober ng mga awtoridad sa Balbalan, Kalinga.

Sinabi ni Col. Henry Doyaoen, Commander ng 503rd Infantry Brigade na nagsasagawa ng foot patrol ang CAFGU volunteers sa Barangay Buaya at Mabaca nang biglang makasagupa ang mga miyembro ng Alejo Cawilan Command ng New People’s Army na nag-o-operate sa Cordillera Region.

Narekober ng mga awtoridad matapos ang taltumpung (30) minutong bakbakan ang dalawang granada, M-16 armalite rifle, ilang bala at kagamitan at anti-government documents.

Patuloy namang tinutugos ang mga naturang rebelde.

—-