Camarines Sur naka red alert status sa bagyong Ramon

0
60

Naka-red alert status na ang buong lalawigan ng Camarines Sur bilang paghahanda sa bagyong Ramon.

Ayon kay Jose Francisco Celebrado, hepe ng Camarines Sur Disaster Management Division Operations, ang hakbang na ito ay dahil palaging binabaha ang malaking bahagi ng lugar sa tuwing may malakas at walang tigil na pag-ulan.

Dahil dito, patuloy na minomonitor ng mga otoridad ang mga lugar na nasa tabing ilog kagaya ng munisipalidad ng Caramoan, Sangay, at Garchitorena.

Naka-stand-by na rin ang mga rescue boats at mga evacuation centers sa posibleng paglikas ng mga residente sa oras na tumaas ang baha sa mga lugar.

Sa ngayon, suspendido na ang klase sa lahat ng antas sa Camarines Sur, ngayong araw ng Huwebes, Nobyembre 14.