Tokyo Olympics gaganapin sa July 2021

Tokyo Olympics gaganapin sa July 2021

by Powered by DWIZ
55 views

Target ng Japan at International Olympic Committee na ituloy ang Tokyo Olympics sa July 23 hanggang August 8, 2021.

Matatandaan na ipinagpaliban ang Tokyo Olympics dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Naging malaking dagok ito sa japan, na naglagak ng 13-bilyong dolyar para sa sports event maliban pa sa 3-bilyong dolyar na mula sa mga domestic sponsors.

Pinag-aaralan na ng games committee ng Japan kung kikilalanin ang mga nabili nang tiket para sa orihinal na petsa ng olympics o ire-refund ito para sa mga magkakaruon ng problema sa bagong schedule ng olimpiyada.

0 comment

Related Posts