Neil Arce pinagtanggol si Angel Locsin sa isang basher

Neil Arce pinagtanggol si Angel Locsin sa isang basher

by Powered by DWIZ
62 views

Hindi na napigilan pa ni Neil Arce, boyriend ng aktres na si Angel Locsin na patulan ang isang basher at ipagtanggol ang kanyang kasitahan.

Ito ay matapos na isalawarawan ng isang basher bilang “pure publicity”, “self promotion” lamang ang ginagawang pagtulong ni angel sa mga frontliners ng bansa sa paglaban sa Corona virus disease 2019 (COVID-19).

Tinawag din nitong peke at hindi taos puso ang ginagawa ni Angel.

Dahil dito, sinagot ni Neil ang nabanggit na basher na nagpakilala pang isang sociologist.

Ayon kay Neil, hindi nagpapa-impress ang kanyang kasitahan sa mga ginagawa nitong pagtulong sa mga frontliners.

Iginiit pa ni Neil, hindi rin mahalaga ang magiging reaksyon ng ibang tao sa kabutihang ginagawa ng aktres.

Magugunitang, isa si Angel sa mga kilalang celebrities na nanguna sa pagbibigay ng tulong sa mga frontliners tulad ng pagbibigay ng mga tents na puwede nilang matulugan habang umiiral ang enhance community quarantine (ECQ) sa Luzon.

0 comment

Related Posts