Marcus Smart ng Boston Celtics nag-negatibo na sa COVID-19 matapos ang 10 araw

Marcus Smart ng Boston Celtics nag-negatibo na sa COVID-19 matapos ang 10 araw

by Powered by DWIZ
54 views

Corona virus disease 2019 (COVID-19) free na si Boston Celtics guard Marcus Smart, 10 araw matapos itong magpositibo sa new corona virus.

Sa tweet ni Smart, kanyang sinabi na binigyan na siya ng clearance ng massachusetts department of health at dalawang araw na siyang corona free.

Pinasalamatan din ni Smart ang lahat ng nag-alala at nagdasal para sa kanya.

Aniya, kaniya ring ipinagdarasal ang lahat ng mga naapektuhan ng COVID-19.

Sa kasalukuyan, labing apat na player ng nba ang nagpositibo sa COVID-19 kabilang sina Kevin Durant ng Brooklyn Nets, Rudy Govert at Donovan Mitchell ng Utah Jazz.

0 comment

Related Posts