Tinatayang 40,000 sundalo ipakakalat para sa midterm elections

0
40

Aabot sa 30,000 hanggang 40,000 sundalo ang ipakakalat ng AFP o Armed Forces of the Philippines sa iba’t-ibang bahagi ng bansa para sa darating na midterm elections sa Mayo 13.

Ayon kay AFP Public Affairs Chief Col. Noel Detoyato, itatalaga ang mga nasabing sundalo sa mga lugar na kinakailangan ng karagdagang seguridad.

Paliwanag ni Detoyato, nais lamang nilang matiyak na magiging maayos at mapayapa ang darating na halalan.

Bukod dito, sinabi rin naman ni Detoyato na sisiguraduhin rin ng AFP na maayos na ipadadala ang mga VCM o Vote Counting Machines sa iba’t-ibang bahagi ng bansa upang maiwasan na rin ang posibilidad ng dayaan.

Una rito, matatandaang idineklara na ng PNP ang mahigit 700 lugar sa bansa bilang election hotspots.