Desisyon sa umento sa sahod ipauubaya na ng Palasyo sa Regional Wage Board

0
47

Ipinauubaya na ng Palasyo sa Regional Tripartite Wages and Productivity Boards ang pagdedesisyon kung pakikinggan nito ang hinaing ng ibat-ibang grupo ng mga manggagawa na humihiling ng umento sa sweldo.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, lahat naman ng petisyon kaugnay sa salary increase ay dumadaan sa wage board upang matukoy kung dapat bang magpatupad ng dagdag sa sahod o hindi.

Kaugnay nito, naniniwala rin naman si Panelo na alam ng Wage Board kung ano ang mas makabubuti para sa mga manggagawa at mga employer.

Matatandaang kamakailang lamang naghain ng petisyon ang Trade Union Congress of the Philippines o TUCP na humihiling ng 710 pesos na across the board minimum wage para sa mga manggagawa kada araw na kasalukuyan ngayong nasa 537 pesos.

 (with report form Jopel Pelenio)