Ulat na sa Pilipinas nagsimula ang pagkalat ng tigdas sa U.S masusing pag aaralan ng DOH

0
53

Masusing pag-aaralan ng DOH o Department of Health ang ulat na sa Pilipinas nagmula ang pagkalat ng kaso ng tigdas sa Estados Unidos.

Kaugnay ito ng ulat na lumobo ang kaso ng tigdas sa Amerika sa pagdating umano ng 40 measles carrier mula sa Pilipinas.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, nais ma-beripika ng DOH kung tama ang naturang report dahil hindi naman aniya nag-kulang ang Pilipinas sa pagpapatupad ng quarantine protocols para sa mga pasaherong pumapasok at lumalabas ng bansa.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Duque na bumaba na ang kaso ng tigdas sa Pilipinas kung saan nasa 700 na lamang ito mula sa 3,700 na naitalang kaso noong Pebrero.

Paliwanag pa ni Duque, nasa kabuuang 31,000 ang naitalang kaso ng tigdas mula Enero hanggang Abril ngayong 2019 kung saan nasa mahigit 400 ang nasawi.

Samantala, nilinaw naman ni Duque na umiiral pa rin ang measles outbreak sa bansa.