Saturday, May 4, 2024

Tiger sa New York Zoo nagpositibo sa COVID-19

- Advertisement -

Nagpositibo sa new coronavirus ang isang tigre sa Bronx Zoo sa New York City.

Ayon sa Wildlife Conservation Society, isang apat na taong Malayan tiger na pinangalanan nilang Nadia ang natuklasang kauna-unahang kaso ng pagkahawa sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ng isang hayop sa Estados Unidos.

Dagdag ng Wildlife Conservation Society, maging ang mga kapatid ng tigreng si Nadia na sina Azul, dalawa pang Amur tigers at tatlong African lions ang nakararanas na rin ng dry cough pero inaasahang makaka-rekober na rin.

Posible anilang nahawa ang nabanggit na tigre sa zoo care taker na positibo sa COVID-19 pero asymptomatic.

Tiniyak naman ng wildlife conservation society na walang dapat ikabahala dahil wala pang patunay na nakakahawa sa tao ang pagkakaroon ng coronavirus ng mga alagang hayop maliban na lamang sa naunang insidente sa wildlife market sa Wuhan City.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img