Friday, May 3, 2024

‘Third wave’ ng COVID-19 posible sa pagpapatupad ng GCQ —DOH

- Advertisement -

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko kaugnay sa nakaambang ‘third wave’ ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) kung hindi mag iingat ang lahat oras na isailalim na ang National Capital Region (NCR) at ibat ibang lugar sa general community quarantine (GCQ).

Ayon kay Dr. John Wong na isang epidemiologist at miyembro ng Inter-Agency Task Force (IATF) Sub-Technical Working Group on Data Analytics, kasalukuyan kasing nasa ‘second wave’ na ang Pilipinas sa COVID-19.

Aniya, maaaring magkaroon ng ‘third wave’ oras na tanggalin na ang enhanced community quarantine (ECQ) kung hindi ipagpapatuloy ng mga Pilipino ang pag-obserba sa physical distancing, hand hygiene, at madalas na paglilinis.

Sa ngayon, nakikita ng DOH ang pagkakaroon ng ‘flattening of the curve’ dahil sa pagbagal ng naitatalang kaso at nasasawi sa COVID-19 sa bansa.

Gayunman, iginiit naman ni Wong na magiging tagumpay lang aniya ang bansa kapag nagkaroon na ng bakuna laban sa virus.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img