Term sharing sa House Speakership welcome kay Pimentel

0
42

Welcome kay Senator Aquilino Pimentel III ang panukalang term sharing sa House Speakership.

Ayon kay Pimentel, isa ito sa paraan upang maresolba ang isyu sa pamumuno sa Kamara.

Anya, dahil marami ang naghahangad sa pinakamataas na posisyon sa mababang kapulungan ng kongreso, ang term sharing ang maaring maging daan para matapos pa ang mga alitan ng mga mambabatas.

Kaugnay nito, nanindigan rin si Pimentel na mahalaga na ang mauupo bilang speaker ng kamara ay ang totoong kagustuhan ng mga mambabatas.