Imbestigasyon ng UN sa ‘war on drugs’ panghihimasok sa PH sovereignty – Panelo

0
52

Malinaw na panghihimasok sa soberanya ng Pilipinas ang imbestigasyon ng United Nations (UN) sa war on drugs ng Administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang naging pahayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kaugnay ng naging panawagan ng UN Human Rights Council na imbestigahan ang umano’y madugong kampanya ng gobyerno laban sa iligal na droga.

Ayon kay Panelo, ang anumang pangengealam sa pamamalakad ni Pangulong Duterte sa bansa ay maituturing na panghihimasok sa soberanya ng Ppilipinas.

Kaugnay nito, nanindigan rin si Panelo na maling impormasyon ang natatanggap ng mga nagsusulong ng naturang imbestigasyon.