HIV cases pumalo na sa 924 ngayong Abril

0
47

Pumalo na sa mahigit 900 ang bilang ng kaso ng HIV sa bansa para sa buwan ng Abril.

Ito ay batay sa datos ng DOH-Epidemiology Bureau, kung saan umabot na sa 924 ang kabuuang bilang ng apektado ng naturang virus.

Ayon sa DOH, 20% o katumbas ng 165 naturang bilang ang may “clinical manifestations of advanced HIV infections”

Bukod dito, aabot naman sa 189 ang namatay dahil sa HIV at AIDS.

Samantala, pinakamarami pa rin sa mga bagong kaso ang naitala sa Metro Manila, na sinundan naman ng Calabarzon at Central Luzon.

Umaabot naman sa kabuuang 4,000 ang naitalang kaso ng HIV sa unang apat na buwan ng taon.