32.7 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Teodoro hinimok ang DOH na payagan ng gamitin ang Marikina COVID-19 testing center

- Advertisement -

Hinimok ni Marikina Mayor Marcelino Teodoro ang Department of Health (DOH) na payagan ang kanilang lungsod na gamitin na ang corona virus disease (COVID-19) testing center, para mapigilan ang pagkalat ng naturang virus.

Ayon sa Alkalde, hindi dapat ituring ang mga lokal na pamahalaan bilang aplikante na humihingi ng lisensya para makapag operate ng laboratoryo.

Aniya, dapat na nagtutulungan ang lokal at national na kung saan ay pinupunan ng lokal na pamahalaan ang kakulangan ng national.

Iginiit pa nito na dapat maging bukas ang naturang testing center sa taumbayan lalo na sa mga mahihirap na hindi kaya magpatingin sa mga pribadong ospital.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -