Suplay ng karne Luzon tiniyak na sapat hanggang sa susunod na 5 buwan

0
12

Tiniyak ng pork at poultry producers na sapat ang suplay ng baboy at manok sa Luzon hanggang sa susunod na limang buwan.

Batay sa datos ng Department of Agriculture (DA), nasa 7,394  na metric tons ang demand sa Metro Manila ng suplay ng manok at baboy sa loob ng isang linggo.

Paliwanag ng Samahang Industriya sa Agrikultura, mayroon pa namang mahigit 43,000 metric tons na suplay ng baboy habang nasa mahigit 56,000 metric tons naman ang suplay ng manok sa buong Luzon.