Saturday, May 4, 2024

Mass testing sa mga preso inihirit —BJMP

- Advertisement -

Humiling ang grupong kapatid sa Bureau of Corrections (Bucor) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ng mass testing sa mga detenido at preso.

Paliwanag ng grupo, ito ay upang matiyak na nananatiling corona virus disease (COVID-19) free ang mga detention facility sa ilalim ng kanilang pangangasiwa.

Nakakapangamba anila kasi ang sobrang siksikan sa mga piitan sa bansa, oras na kumalat ang COVID-19 sa hanay ng mahigit 200,000 detenido at preso sa buong bansa.

Dagdag pa rito, inihirit rin ng grupo ang karagdagang personal protective equipment (PPE) sa mga nagbabantay sa mga kulungan gayung ang mga ito ay labas-masok sa piitan.

Samantala, iminungkahi rin ng grupo ang pagkonsidera sa pagpapalaya sa mga may sakit, buntis, mga may edad na nakakulong at maging ang mga tinatawag na “low level offenders” upang maiwasan ang siksikan sa loob ng mga kulungan sa bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img