28.9 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Temporary ban ng pork products mula sa mga ASF-affected countries ipinatupad na

- Advertisement -

Ipinatupad na ng Food and Drugs Administration (FDA) ang temporary ban ng mga pork products mula sa mga bansang apektado ng african swine flu (ASF).

Ito ay matapos atasan ng FDA ang mga importers, dealers at distributors ng processed pork products na alisin kaagad ang kanilang mga paninda sa mga pamilihan.

Ayon kay FDA Acting Dir. Eric Domingo, kabilang sa mga bansang ito ang China, Hungary, Latvia, Poland, Romania, Russia at Ukraine.

Kugnay nito, inatasan rin ng FDA ang regulatory enforcement units na kumpiskahin ang mga pork products at frozen pork processed meat, mula sa mga nasabing bansa.

Habang, inirekomenda rin naman ng Department of Agriculture ang pag-ban ng mga pork products mula sa Vietnam, South Africa, Czech Republic, Bulgaria, Cambodia, Mongolia at Belium.

Samantala, umaabot na naman sa 6,000 mga baboy ang namatay sa Vietnam dahil sa ASF.

Una rito, ibinabala naman ng World Health Organization na maaring pagmulan ng hemorrhagic disease ang virus mula sa mga baboy na apektado ng ASF.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -