Friday, May 3, 2024

Advincula no show sa preliminary investigation ng DOJ

- Advertisement -

No show si Peter Joemel Advincula alyas ‘Bikoy’ sa preliminary investigation ng Department of Justice (DOJ) sa kinahaharap nitong kasong perjury.

Ayon kay Atty. Benjamin Delos Santos, abogado ng complainant na si Arven Valmores, wala ring sumipot na abogado o kinatawan si Advincula sa nasabing pagdinig.

Kasunod nito, muling itinakda ng DOJ sa June 4 ang prelimanary investigation ng kasong perjury ni Advincula alyas ‘Bikoy’.

Nag-ugat ang kasong perjury matapos gamitin umano ni Advincula ang kumpanyang Ardeur World Marketing Corporation ni Valmores sa pag-oorganisa ng beauty contest noong nakaraang taon ng walang kaukulang permiso.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img