Team of experts mula WHO bibisita sa mga lugar na apektado ng COVID-19

Team of experts mula WHO bibisita sa mga lugar na apektado ng COVID-19

by Powered by DWIZ
62 views

Bibistahin din ng team of experts mula sa World Health Organization (WHO) ang mga lalawigan ng Guangdong at Sichuan.

Ipinabatid ito ng national health commission ng China at WHO na ang grupo ng mga expert ay kasalukuyang nasa Beijing para imbestigahan ang coronavirus outbreak.

Una nang dumating sa Beijing ang maliit na advance team na pinangungunahan ni mission leader Dr. Bruce Aylward samantalang dumating nitong weekend ang ilan pang miyembro ng team.

Ipinabatid ni WHO Spokesman Tarik Jasarevic na nagsimulang amg trabaho ang nasabing team of experts noong linggo kung saan nagsagawa ng  in depth workshop at data review nang tinaguriang principal ministries na patungo sa outbreak response.

Kahapon ay nagkausap na ang WHO led team at Beijing health authorities hinggil sa COVID-19 outbreak sa lugar bumisita sa mapangunahing infectious disease facility na Ditan Hospital at anzhen Community Center and Health Clinics at nakipag-ugnayan din sa China Centre for Disease Control.

0 comment

Related Posts