Saturday, May 18, 2024

Tax amnesty program posibleng maisabatas na

- Advertisement -

Inaasahang anumang araw mula ngayon ay isasabatas na ng Pangulong Rodrigo Duterte ang tax amnesty program.

Ayon kay Finance Assistant Secretary Antonio Lambino II, posibleng maipatupad ito ng Abril o Mayo ng susunod na taon pagkatapos na malagdaan ng Pangulo dahil kailangan pa nilang gumawa ng implementing rules and regulations (IRR).

Nagpahayag ng pag-asa si Lambino na sasamantalahin ng maraming tax payers ang anya’y bibihirang pagkakataon na mag-aalok ng tax amnesty ang pamahalaan.

Sa ilalim ng tax amnesty program, bibigyan ng amnestiya ang mga hindi nabayarang buwis kabilang ang estate taxes, general taxes at iba pa nitong mga nakaraang taon hanggang 2017.

Apatnapu’t isang (41) bilyong piso ang inaasahang makokolekta ng pamahalaan mula sa tax amnesty program.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -