Saturday, May 4, 2024

BuCor Chief Faeldon nanindigang hindi makikialam sa kaso ng anak

- Advertisement -

Muling nanindigan si Bureau of Corrections (BuCor) Chief Nicanor Faeldon na hindi manghihimasok sa kaso ng anak na naaresto sa isang anti-drug operations sa Naga City.

Pagtitiyak ni Faeldon, hindi siya maglalabas ng kahit isang sentimo para matulungan ang anak na makalabas ng kulungan.

Dagdag pa ni Faeldon, kanya ring tinanggihan maging ang mga kaibigang abogado na nag-aalok ng tulong.

Samantala, naniniwala naman si Faeldon na makakalaya rin ang anak kahit wala silang gawin kung talagang inosente ito.

Si Nicanor Faeldon Jr. ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 7 o maintening a drug den sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 matapos namang maaresto kasama ang tatlong iba pa sa isang bahay na ginagamit umanong drug den sa Naga City.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img