Biyaheng Jolo Sulu si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw para pangunahan ang activation ng 11th Infantry Division ng Philippine Army.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, alas-2:30 ngayong hapon nakatakda ang pagtungo ng Pangulo sa Jolo kung saan inaasahang haharap ito sa apat hanggang anim na raang (400-600) mga sundalo ng 11th Infantry Division.
Una rito, ipinag-utos na ni Pangulong Duterte ang pagdadagdag ng puwersa ng sundalo sa Jolo para tugunan ang mga nangyayaring karahasan sa nabanggit na lugar gayundin sa Samar, Negros Oriental, Negros Occidental at Bicol Region.
Matapos ng aktibidad sa Jolo, magtutungo naman si Pangulong Duterte sa General Santos City para dumalo sa pagdiriwang ng ika-40 kaarawan ni Senador Manny Pacquiao.
—-