Taunang umento sa sahod asahan na sa termino ni Duterte — DBM acting sec

0
42

Asahan na ng lahat ng kawani ng gobyerno ang taunang taas-sweldo hanggang sa matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa taong 2022.

Ito ang naging pagtitiyak ni Acting Budget Sec. Wendel Avisado kung saan sinabi nito makatatanggap ng dagdag-sahod ang lahat civilian government workers sa bansa.

Aniya, ito ay sa bisa ng panukalang Salary Standardization Law (SSL) kung saan nakasaad na simula sa taong 2020 ay mabibigyan ng dagdag-sahod sa loob ng tatlong taon ang mga kawani ng gobyerno.

Una rito, sinabi ni Avisado na aabot sa P31.1-B ang magiging pondo para sa naturang panukala.

Aniya, ito ay nakapaloob sa miscellaneous personnel benefit funds sa panukalang P4.1-T na proposed national budget.