Oil price rollback asahan sa susunod na linggo

0
42

Inaasahang magpapatupad ng kakarampot na oil price rollback ang ilang kumpanya ng langis sa susunod na linggo.

Batay sa pahayag ng ilang oil industry source, posibleng maglaro sa P0.10 hanggang P0.15 ang tapyas-presyo sa kada litro ng diesel, habang P0.20 hanggang P0.25 naman sa bawat litro ng gasolina.

P0.20 naman ang posibleng tapyas-presyo sa kada litro ng kerosene.

Ang panibagong oil price rollback ay bunsod naman ng pagsigla ng halaga ng piso kontra dolyar sa pagsasara ng trading day, kahapon.

Samantala, epektibo naman ang naturang roll back sa darating na Martes, Agosto 27.