Monday, May 6, 2024

Tatlong pulis sibak sa ‘paluwagan’ scam

- Advertisement -

Sibak ang tatlong opisyal ng Philippine National Police (PNP) sa General Santos City, South Cotabato dahil sa pagkakaugnay sa dalawang bilyong pisong investment scam na pawang mga pulis ang biktima.

Tinanggal sa puwesto ni DILG Sec. Eduardo Año sina Col. Manuel Lukban, Col. Raul Supiter at Lt. Col. Henry Viñas na ngayon ay nasa ilalim na ng imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Ayon kay Año, sinibak sa pwesto ang tatlo matapos na matukoy na may kinalaman sila sa Pulis Paluwagan Movement na nambiktima sa mga pulis, kanilang pamilya at mga kaibigan sa General Santos City at mga karatig lugar.

Marami ang nabiktima ng naturang scam dahil sa pangakong tutubo ng 60 percent ang kanilang ilalagak na pera sa tuwing ika-labing limang araw.

Bukod sa tatlo ay sinasabing 30 pang mga police personnel at sibilyan ang nasa likod ng naturang paluwagan scam.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img