Saturday, May 18, 2024

Pananambang sa isang pulis sa EDSA iniimbestigahan na ng PNP

- Advertisement -

Bumuo na ng special investigation task group ang PNP National Capital Region upang imbestigahan ang pagpatay kay SPO2 Solomon Cugay.

Matatandaang binaril si Cugay habang sakay ng kanyang motorsiklo at bumabaybay sa EDSA-Connecticut sa Greenhills San Juan City.

Ayon kay PNP NCRPO Chief Major General Guillermo Eleazar, sinimulan nang busisiin ng grupo ang CCTV sa lugar kung saan naganap ang krimen.

Binubusisi na rin aniya nila ang mga nakaraang assignments ni Cugay lalo na sa pagitan ng 2014 hanggang 2016 nang maakusahan siyang isa sa mga ninja cops.

Bago napatay ay nakatalaga sa administrative unit sa Camp Bagong Diwa si Cugay.

“Na-assign siya dati sa regional anti-illegal drugs unit noong 2014 to 2015 at tinitignan natin dahil nung mga panahong ‘yun ay napasama siya sa pinaghihinalaang may involvement sa iligal na droga or koneksyon doon, noon naman po ay wala naman tayong nakitang mga ebidensya laban sa kanya at tinitingnan natin ngayon kung may kinalaman ‘yun doon sa pananambang sa kanya.” Pahayag ni Eleazar.

(Ratsada Balita Interview)

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -