Tatlong Abu Sayaff patay sa engkuwentro sa Sulu

0
92

Patay ang tatlong Abu Sayaf sa panibagong bakbakan sa pagitan nila at ng militar sa Isla ng Simisa, bayan ng Bangigui, lalawigan ng Sulu kahapon.

Ayon kay WesMinCom o Western Mindanao Command Spokesman Col. Gerry Besana, nagsasagawa lamang ng combat patrol ang marine battalion landing team 3 nang maka-engkuwentro ang grupo ni Abu Sayyaf Sub Leader Najir Arik.

Bagama’t walang naitalang nasawi o nasugatan sa panig ng mga sundalo sa limang minutong bakbakan, sinabi ni Besana na hindi pa nila matukoy sa ngayon kung ilan ang nasugatan sa panig ng mga bandido.

Gayunman, sinabi ni Besana na nahihirapan na ngayon ang grupo ni Arik na makalabas ng isla dahil sa total naval blockade na ipinatupad ng naval forces maging ng pinaigting na opensiba ng militar.