Panibagong taas-presyo sa mga produktong petrolyo kasado na bukas

0
47

Ipa-full tank niyo na ang inyong mga sasakyan dahil may panibagong pagtaas sa presyo ng langis bukas, araw ng Martes.

Unang magpapatupad ng kanilang umento ang Caltex epektibo mamayang alas 12:01 ng hatinggabi kung saan, animnapu’t limang sentimos ang umento sa kada litro ng gasoline.

Habang sampung sentimos naman ang umento sa kada litro ng diesel at kerosene.

Susunod naman ang iba pang mga kumpaniya ng langis tulad ng Shell, PTT, Petro Gazz, Eastern Petroleum, Unioil, Sea Oil at Jetti ganap na ala 6:00 bukas ng umaga.

Ito na ang ika-pitong sunod na oil price increase ng mga kumpaniya ng langis bunsod ng pagsasara ng ilang refinary sa Asya para isailalim sa maintenance shutdown na siyang dahilan ng pagsipa sa presyo ng langis sa world market.