Mahigit 1,000 pulis tumaas ang ranggo

0
55

Pinangunahan ni PNP Chief Dir/Gen. Oscar Albayalde ang panunumpa ng may 1,029 na mga bagong promote na pulis.

Ayon sa PNP Chief, binubuo ito ng may 79 na mga commissioned officers habang nasa 950 naman ang mga non-commissioned officers.

Sa kaniyang talumpati sa Kampo Crame kanina, sinabi ni Albayalde sa mga bagong promote na pulis na hindi ibig sabihin ng kanilang pag-angat sa puwesto ay may karapatan na silang magpawarde-warde sa trabaho.

Mahigpit na pinagbilinan ni Albayalde ang mga pulis na dapat magsilbi silang modelo ng kasipagan gayundin ng dedikasyon sa mga nakababa sa kanila at patuloy na maglingkod ng may katapatan at integridad.